January 30, 2010

Bente-Ocho!

Dahil ispesyal sakin ang number 28 at ito na ang pang dalawamput-walo kong entry, medyo magiging self-centered muna ko, at maglalagay ako ng mga bagay na tungkol sakin na di mo pa siguro alam,kung alam mo na, astig ka! Dahil kilalang-kilala mo na ko...
So eto...


1. Addicted ako sa show na House md...

2. Addicted din ako sa dating show na F.R.I.E.N.D.S.

3. Di ako mahilig sa scrapbook, pero gusto ko to'ng tinitignan...

4. Isa lang ang koni-kolekta ko, mga kaibigang masayang kasama...

5. Isang offense na lang at ma kiki-kc out na ko sa High school ko...

6. Gusto ko'ng mag tapos ng film making...

7. Gusto ko'ng pumunta sa europe at magtapos ng script writing...

8. Di ako nag kakape, pero lagi akong tumatambay sa mga coffee shops...

9. Umiiwas ako saalak, pero madalas di makatangi...

10. Sa buong buhay ko, isang beses pa lang ako humithit ng sigarilyo...

11. Natatawa ako pag nakakarinig ako ng weirdong tawa...

12. Nagagalit ako sa mga taong nagsasapatos habang naka shorts...

13. Mas gusto ko ang shorts kesa sa long pants...

14. Gusto ko'ng makapagsulat ng libro...

15. Gusto ko'ng makapag direct ng pelikula...

16. Na cast na ko sa isang play...

17. Gusto ko'ng makapagsulat at mag direct ng theatre play...

18. Tipid ako'ng tao, pero napapa splurge pag may kasama kong mahal ko...

19. Meron ako'ng blogspot, multiply, friendster, facebook, at tumblr...

20. Mahilig ako mag-basa...

21. Hindo ko hilig ang anime, hangang dragonballz at ghost fighter lang talago ko...

22. Mas magaling ako'ng magsulat kesa sa iniisip mo...

23. Mas matalino ako, kesa sa iniisip mo...

24. Takot ako sa surgery...

25. Sa buong buhay ko, isang beses palang ako na-involve sa car-accident...

26. Masaya ako pag nagsusulat...

27. Mas masaya ako pag may nagbabasa ako sa sinulat ko...

28. Pagod ako lagi, pagod na pagod...





Paulo Marcelo© 2010

Pag-ibig ko

Oh giliw ko,
mahal kita,
pero bakit ganyan,
bat ayaw mo?



Paulo Marcelo© 2010

January 28, 2010

Ulan

Tumulo ang tubig galing sa langit,
naalala kita...

Lumakas ang hangin,
naalala ko nung ikaw pa'y sa akin...

Binasa ng ulan ang dahong tuyo,
naalala ko nung nagmamahalan pa tayo...

Ngayon tumila na ang ulan,
pero tubig ay pumapatak pa...

ay, teka muna,
ang tubig pala, galing sa'king mata...






Paulo Marcelo© 2010