January 28, 2010

Ulan

Tumulo ang tubig galing sa langit,
naalala kita...

Lumakas ang hangin,
naalala ko nung ikaw pa'y sa akin...

Binasa ng ulan ang dahong tuyo,
naalala ko nung nagmamahalan pa tayo...

Ngayon tumila na ang ulan,
pero tubig ay pumapatak pa...

ay, teka muna,
ang tubig pala, galing sa'king mata...






Paulo Marcelo© 2010

No comments:

Post a Comment