August 8, 2009

Kopya

"Sige na nga..." sabay bigay ni din-din ang papel nyang puno ng sagot kay mae, "Salamat, kaya lab na lab kita eh" pabirong sagot niya habang mabilis na kinuha ang papel ng kaklase, at kung gano nya kabilis nakuha to' eh ganun di kabilis na kopya ang mga sagot "oh, thank you, next time ulit ha" sabay kindat, "basya ikaw malakas ka sa'kin eh" pabulong na sagot ni din-din habang pinipigilan ang pag-bilis ng tibok ng puso nya, "Hehe, ikaw talaga..."


Ganun lang... gano'n lang at kumpleto na ang araw ng binata, araw-araw, gabi-gabi, hindi naaalis sa utak ni din-din sa mae, kahit alam nya'ng mga sagot lang naman sa test ang habol nito sa kanya, sa bawat araw, ang mga test, yun lang ang dahilan ng kanilang pag-uusap, nangungulit si mae habang sumasagot si din-din, pagkatapos sumagot ay iaabot ka agad ng binata ang papel sabay "thank you" ng dalaga habang kinokopya ang mga sagot, minsan ay niisip rin ni din-din na ipag tapat ang lahat sa babaeng kinokopyahan at hinihiraman lamang ng s'ya ng ballpen, "Hindi, wag muna" bilin ng binata sa sarili nya... Higit isang taon na'ng kinokopyahan ni mae ng sagot si din-din, bawat discussion ay masipag na nakikinig ang binat para hindi mapahiya sa dilag at baka nga naman magalit ito't di na kausapin...


"Huy! may test daw mamaya, lam mu na noh..." paalala ni mae "oo cge" sagot ni din-din, paalis na sana si mae na'ng bigla siyang tinawag "Teka!" sigaw ni din, "Huh? Ano?" tanong ni mae, "Pwede, uhm, ayos lang ba kung manlagaw ako? nanginginig ang boses ng binata habang nagtatanong, :Haha, to' naman" sagot ni mae, "Seryoso ka?" tumango lang si din-din "Ay, uhm, hindi pa ako pwede, este hindi pa ko handa, uhm, ayoko muna kasi ng relasyon, pa-ilang na sagot ni mae, "ayos lang, yun naman talaga yung expected kong sagot eh" sagot ni din-din habang nakatitig sa lupa, "Tara na nga, ma la-late na tayo eh", sabay na lumakad ang dalawa papuntang classroom, walang nagsasalita, maraming nakakasalubong si mae na ka-kilala na lagi namang bumabati, habang nakatitig pa din sa lupa si din-din, pagdating sa classroom ay nagpakuha agad ng papel ang guro at nag-umpisa na ang test, habang sumasagot si din-din, kunwari namang nagsusulat si mae sa kanyang papel, kahit hindi halata, nahihiyang itanong ni mae kung pwede siyang pakopyahin ng binata, biglang tumingin sa din-din kay mae, "oh heto, sabay bigay ng papel kay mae, ilang segundo lang ay nakopya na ng dilag ang mga sagot at ibabalik na nya sana ang papel ng binata, nang mahuli siya ng guro, "Mae! kanino papel yan?", tahimik. "Halika nga dito" naiiyak na lumapit si may sa teacher's table, sabay tayo naman ni din-din, "Ma'am, akin po yung papel, pina-pasulat ko po yung mga sagot nya" at pag katapos masabi ito ay tuluyan na'ng tumulo ang luha ng dilag...






Paulo Marcelo© 2010

Your Face

isa'ng haiku na ginawa ko para kay...



Tinignan ko ang araw, mukaha mo ang nakita...

Tininan ko ang bulaklak, mukha mo ang nakita...
Tinignan kita, at ako'y nabulag sa ganda...






Paulo Marcelo© 2010

Kabinet

Nung isa'ng araw, habang kikalkal ko ang baul ko sa bahay, bigla
ko'ng nakita yung isang essay na ginawa ko nung first year,
ipapakita ko sana dun sa seatmate ko sa filipino nun, kaya lang di ko na
natuloy, sana mabasa nya dito...







Nung bata ako, mahilig ako'ng mag-tago dun sa kabinet namin,

yung malaking kulay brown at amoy barnis sa loob, wala'ng hati yon, kaya mas madali
mag kasya kahit sa isang chubby'ng bata'ng katulad ko.
Nag tataka ka kung bakit? Kasi, sa loob ng isang kabinet may kalayaan,
wala kang takot,(yung barnis lang na amoy lason) walang nakakakita sa'yo kaya di kailangan mahiya'ng maglaro, at may feeling pa na ikaw si james bond na nagtatago sa nazi's...


Pag tung-tong ko ng highschool, andaming problema, mga problema tulad ng mga
trabaho,(school work) sa pag-ibig, sa pakikipagpagalingan sa mga kabarkada, pakikipag plastikan sa ibang tao, at pagtatago dun sa nakaaway mo'ng di mo alam na miyembro pala ng
fraternity, at madami pa na di ko na isusulat dahil baka mag-suicide ang kabataan,
kaya kahit sabihin nating may kalayaan, ay di ibig sabihing malaya na tayo,
kahit saan ka magpunta, eh siguradong may kakaharapin kang,
"rules and regulation" na di man natin sinusunod eh nandyan pa din, wala na yung kalayaan natin nung musmos pa tayo na sabihin ang kahit ano, ang kalayaan na maglaro ng walang pakielam kung masugatan at mapahiya, yung tumawa ng di iniisip ang iniisip din ng iba, ang kalayaan na naramdaman natin lahat nung bata, nung minsa'ng nagtago tayo sa kabinet at nag-tago sa mundo...






Paulo Marcelo© 2010

Pangungulila

Ang lamig ng hangin,
Ang lakas ng ulan,
lahat pinapansin,
dahil ika'y wala sa akin,

Ang liwanag ng buwan,
Ang lalim ng buwan,
Ang himig ng mga kuliglig,
O irog, nasa'n ang iyo'ng pag-ibig

May apat pang linya,
Ako'y wala nang maisip pa,
Tatapusin ko na ang tula,
o giliw, nasan ka na kaya?










Poem na ginawa ko para kay...






Paulo Marcelo© 2010