Umaalab ang utak,
Sunog ang kilay,
Masakit ang kamay,
Sumusulat ang mata,
Basa ang labi,
Tuyo ang isip,
Ayaw na ng katawan,
Kinakaya ang hirap,
Wala nang masulat,
Hinihikayat ang ideya,
Sa mundo ng salita,
Wala ako'ng makita,
Ayaw na ng lapis,
Wala nang tinta,
Ubos ang papel,
Sa balat sumulat,
Suko na sa buhay,
Talo na ng lumikha.
No comments:
Post a Comment