ko'ng nakita yung isang essay na ginawa ko nung first year,
ipapakita ko sana dun sa seatmate ko sa filipino nun, kaya lang di ko na
natuloy, sana mabasa nya dito...
Nung bata ako, mahilig ako'ng mag-tago dun sa kabinet namin,
yung malaking kulay brown at amoy barnis sa loob, wala'ng hati yon, kaya mas madali
mag kasya kahit sa isang chubby'ng bata'ng katulad ko.
Nag tataka ka kung bakit? Kasi, sa loob ng isang kabinet may kalayaan,
wala kang takot,(yung barnis lang na amoy lason) walang nakakakita sa'yo kaya di kailangan mahiya'ng maglaro, at may feeling pa na ikaw si james bond na nagtatago sa nazi's...
Pag tung-tong ko ng highschool, andaming problema, mga problema tulad ng mga
trabaho,(school work) sa pag-ibig, sa pakikipagpagalingan sa mga kabarkada, pakikipag plastikan sa ibang tao, at pagtatago dun sa nakaaway mo'ng di mo alam na miyembro pala ng
fraternity, at madami pa na di ko na isusulat dahil baka mag-suicide ang kabataan,
kaya kahit sabihin nating may kalayaan, ay di ibig sabihing malaya na tayo,
kahit saan ka magpunta, eh siguradong may kakaharapin kang,
"rules and regulation" na di man natin sinusunod eh nandyan pa din, wala na yung kalayaan natin nung musmos pa tayo na sabihin ang kahit ano, ang kalayaan na maglaro ng walang pakielam kung masugatan at mapahiya, yung tumawa ng di iniisip ang iniisip din ng iba, ang kalayaan na naramdaman natin lahat nung bata, nung minsa'ng nagtago tayo sa kabinet at nag-tago sa mundo...
No comments:
Post a Comment