Ingredients:
10 pcs. Barbecue
10 pcs. Betamax
10 pcs. Adidas
3 cans of tuna
3 cans of corned-beef
3 boteng coke 1.5L
2 boteng GSM blue
2 blocks of ice
Procedure:
1. I-freezer na ang Coke at Gsm...
2. Kunin ang telepono't imbitahin ang barkada...
3. I-luto na ang barbecue, betamax, at adidas...
4. Buksan na ang tatlong tuna at iinit...
5. Habang iniinit ang tuna ay buksan na din ang corned-beef at igisa...
6. Pag-katapos nito'y basagin na and dalawang bloke ng yelo at ilagay sa isang malaking bowl...
7. Buksan na ang coke at gsm at ihalo sa isang malaking coleman jug...
8. Pagkahalo ay isama na rin dito ang yelo at hayaan munang lumamig...
9. Kunin na ang nilutong barbecue, betamax, adidas, tina, at corned-beef...
10. Maiisio mo na lang na sa dami ng ginagawa ay unti-untng nawawala ang sakit sa puso...
11. Ngunit dahil naisip mo, ay unti unting babalik ang sakit na akala mo'y naglaho...
12. Maya maya ay maririnig mo nang kumakatok ang barkada...
13. Oras na para inumin ang Gsm'Coke at kainin ang mga niuto bilang pulutan...
14. Magpakalasing para mawala ang sakit na nararamdaman, hangang makatulog...
15. Repeat till pain fades...
No comments:
Post a Comment