---------------------------------
Gabi. Madilim. Tahimik. Habang mabilis ang tulo ng pawis, kasabay ng mas mabilis pang pag hingal, "TAKBO TAKBO!" sigaw ni kelvin, di ko na s'ya pinansin dahil sa pagmamadali q, takbo lang, takbo, takbo pa, baka maabutan qko, hingal, tulo ng pawis, hingal, di ko na naririnig si kelvin sa bilis at layo ng natakbo ko, pero nararamdaman ko parin ang halimaw na humahabol, palapit ng palapit, ayun! may puno, akasya. Mataas, sa isang iglap ay tumalon ako ng malakas at inakyat ang puno, nasa tuktok na ko nang makita ko sa baba ang halimaw, ayun siya, tumutulo ang laway, kamuka ni nemesis pero dalawa ang ulo na tig-isang mata sa gitna, isang kamay sa kanang braso habang dumudugo naman ang sa kaliwa at puro balbon ang katawan, nasa baba, nag-mamasid, asar! di ko mapigilan ang mabilis at malakas kong pag-hinga, SYIT! Tumingin sya sa taas, nakita ako, nakakatakot ang tingi, nakakapanlamig, ayan na!(Lumundag ang halimaw)
Sa isang segundo lang at kaharapan ko na siya, matagal kami'ng nagtinginan, parehong hinihingal, itinaas ang kamay at ipinalo sa'ken, pero bago pa man tumama eh napaupo nako sa hinihigaan ko'ng kama, habang namamawis kinalma ko ang sarili ko at tinignan ang orasan, alas-sais na, may pasok, at kanina pa pala ko ginigising ng nanay ko, di ko lang siguro naririnig dahil sa kiabang
galing sa bangungot, humiga ako ulit at umidlip ng limang minuto para
i warm-up ang utak, tapos tumayo na't hinubad ang damit papasok sa banyo, Bubuksan ang shower "FUCK!!!" sigaw ko sa utak ko, anlamig ng tubig nagulat at napatalon ang buong katawan ko pero wala, no choice, late na'ko nagising kaya di na'ko nakapagpainit ng tubig, at masarap din naman kase yung pakiramdam pagkatapos maligo sa malamig na tubig, fresh, tapos paglabas mo ng banyo eh nangingisay ka sa lamig, mmm... sarap... Pag-katapos maligo sa yelo, sinuot ko na ang maluwang ko uniporme, maluwang. Todo. Di ko alam kung lasing yung sumukat sakin no'n o duling kase naman mula sa waistline hangang sa kwelyo mali, pero ayus lang dahil walang umaaway sa'ken dahil sa uniporme ko nagmumuka ako'ng gangsta... Upo, subo, inom. Almusal, 2hotdog, at 1 itlog, at isang platitong kanin, mmm... solb, 40 mins. nalang 7am na, nag-uumpisa pa lang akong kumaen, pagkatapos ng limang minuto, tapos. Inom ng dalawang basong tubig, suot ang id, kunin ang bag, paalam sa nanay, kuha ng limang pirasong pochi sa ref, ibababa ulti ang bag dahil nakalimutan ko'ng mag tooth-brush, suot ang bag, paalam ulit kay nanay at alis... off to school... naks ingles...
---------------------------------
Lakad, mga 3 minutong lakad papunta sa jeep, pero bago no'n eh may dadaanan muna ako'ng tindahan at mapapabili ako ng mga panibagong kendi(kase naubos ko na yung limang potchi_, tapos sampung minutong paghihintay ng jeep na walang nakasakay sa harapn gusto ko sa harap pag-umaga para pwede pa ulit umidlip... Sa wakas! May jeep na wala sa harap, sakay kaagad ako, kaya lang agad din ako'ng na badtrip nung nakita kong matanda na yung driver, ayoko ng matandang driver! Mabagal magpatakbo, mali magbigay ng sukli, at mahirap mag-para dahil mga 30 mins muna bago kayo magkaintindihan... after 40 mins, nakarating na'ko, takco agad papuntang room kung saan 20mins na kong late, gusto ko sana gayahin yung entrance nung commercial sa mentos at pumasok ng pabaliktad pero baka makornihan lang yung teacher ko at lalung magalit sa'kin(Once in a blue moon lang kasi ako hindi late) pumasok na lang ako bigla, tingin kay ma'am sabay "sorry im late ma'am" habang umuupo, di man ako pinansin ng teacher, ayaw nya siguro magpa-distract sa pagtuturo ng pag murder ng nazi's sa mga hudyo...
Makalipas ang 40mins na pakikipagdaldalan sa katabi ko eh natapos na ang english 4...
Next subject! science, ma'am "tooot" mabaet,(daw) taas magbigay ng grade merit dito, merti don, magdala ka lang ng notebook me puntos ka na.. Pero, Medyo, Boooriiiiiing........
Di ku alam kung yung oras nung subject na 8am, o yung teacher, basta ako lilipat ng upuan sa likod para maka pikit ng konti, tapos na pala yung science, wala man lang gumising sa'kin para sa prayer, break time, lalabas muna ng room para makabili ulit ng kendi at sopdrinks, at kung hindi man eh makikipagdaldalan sa mga kakilala ko sa ibang section, habang abala pa sa pangongopya ng ass. para sa susunod naming subject, habang nakatambay, may 10minuto pang break pero dumating na yung teacher namin sa susunod na subject, tumatambay siya sa room bago pa man mag-umpisa yung subject pero mamaya pa yon sa ngayun daldalan muna:
Ako: Syit! bagong gupit, haha... pogi!
Tor: Pak u...
Ako: haha, tae, sinu gumupit sayo tol??
Tor: Di barbero gagu...
Ako: haha, buhay pa? buhay pa? haha...
Tor: tae ka, badtrip na nga ko, pagtitripan pa eh...
Ako: hehe, sori sori, nu ba nangyari dyan, bulag yata barbero mu eh...
Tor: hinde gagu, di lang talaga marunong...
Ako: (*Tawa lang*)
Tor: Nimal ka, tawag ka na nung ticher mo oh...
Ako: sige tol maya nalang (*natatawa*)
---------------------------------
Balik tayo sa room, math subject, pa easy easy lang ako dito, kasi madali lang naman tapos adviser ko pa yung teacher, kaya didiretso na ko sa 4th subject FILIPINO!
si ma'am na kami lang yung 4th year section na tinuturuan, ayaw daw nya ng namamahiya, pero nagawa nya na din yun ng ilang beses dahil palagi kaming walang libro(Oo, buong section walang libro, di dahil walang pambili, kundi dahil tamad magdala) at yung dating pangyayari na pina check nya samin yung mga test paper namin eh ala pala'ng chine-chek yung naming kaklise habang doble-doble ang chine-check ng iba, ayun pahiya yung kaklase namin na di naman talaga masyadong nagsasalita, kaya siguro di nya nasabing wala siyang nakuhang papel...
Tapos! isang oras ang lumipas ng pag-uusap tungkol sa pag-hihiganti ni simoun, eh nag ring na ang bell at lumipat na kame ng rum papuntang gym para mag MAPEH(may mga kwarto yung gym na nagsisilbing classroom) wah! ayoko ng mapeh hindi dahil sa oras, at di dahil sa teacher, kundi dahil sa room, ang INIT! ayus naman si ser magaling magturo, pero mahirap lang talaga mag-concentrate pag di ka na makahing sa init, matapos pag-pawisan ng 60 mins. LUNCH! haha, 5 subject na tig isang oras tapos lunch mo 40mins, ansaya di ba?
Kaya minsan eh di na ko kumakaen at naghihintay na lang ng oras at pagkatapos ng klase eh dun ako kakaen tulad ng araw na to, dahil medyo nag overtime yung teacher namin(naghahabol ata ng lesson) Kaya kwentuhan nalang sa bench sa tabi ng basketball court ang ginamit namin libangan:
Rik: Di ka kakaen?
Ako: Diet ako...
Rik: Lul!
Ako: Baket?
Rik: Kaw diet? Lul!
Ako: gagu to...
Rik: Kaen na kasi tayo...
Ako: ayun sina vic! sabay ka na sa kanila gagu...
Rik: Dana, parang di kumakain yung mga yan eh, sigurado pagkatapos ko bumili tapos na yung mga yan...
Ako: hehe, ulul sa dami ng tao, pagkabile mo tapos na yung lunch...
Rik: dana, nu kasi yang 40mins lang eh, bitin na bitin...
Ako: (*kibit balikat*)
(Nagring ang bell)
Ako: Tara na late na...
---------------------------------
Tapos ang lunch, isang basong buko juice at limang piraso'ng potchi lang yung kinanen ko, solb? hindi, kaya bumile pa ko ng 5 pirasong XO ayan solb, next subject, TLE, isa sa magulo'ng subject, magulo pero hindi dahil sa mahirap ang subject, kundi dahil nag kasama ang gusto't ayaw ko sa isang subject, magaling yung teacher, masarap makinig at masarap matuto, pero ayaw na ayaw ko yung tinuturo, drafting(Drawing) ayaw na ayaw kong nagdo-drawing siguro kung bacteria ako pag-dodrawing ang alcohol ko, kung ako si superman di mo na kailangan ng kryptonite iharap mo lang saken ang lapis at sketchpad eh siguradong lilipad na'ko paalis, pero di ibig sabihin na ayaw ko ng art na to, sa katunayan eh hinahangaan ko ang mga tao'ng marunong at magaling mag-drawing at gusto ko rin namang matuto, pero di nga lang talaga kaya ng utak ko, kaya sa ibang art q na lang tinutok ang konti ko'ng talento, KRIIIRIING! Ring ulit ang bell, tapos ang TLE, sunod ang A.P pinaka ayaw kong subject! Di ko na gusto ang teacher at ayoko pa yung pinag aaralan tapos ayoko pa yung teacher...blablabla(Nagpaliwanag daw ako, tapos naking ka) blablabla, kaya nga ayaw na ayaw ko yung A.P pati yung teacher... ... ... (F*) Tagal ng bell! pero dahil magaling yung teacher na ayaw na ayaw ko, dinismiss kami ng 5 mins before the time, sipag... 3rd floor pa yung A.P(yung subject nung teacher na ayaw ko) kaya bababa pa para makapunta sa last subject E.P(Values Ed.) pero habang papunta ng room eh nakasalubong ang ilang barkada mula sa ibang section:
Drey: Huy! Gagu!
Ako: oh? haha, la kayo pasok?
Drey: Meron...
Ako: Bat nandito kayo?
Drey: Di na kami pumasok, lecture lkang naman eh, kokopya nalang kami dun sa mga pumasok...
Ako: Haha, gagu ka, bussinesman ka talaga pa tanda mo haha...
Drey: Haha... Ulul...
Ako: San yung iba?
Drey: Pumasok nga...
Ako: Kayu lang tatlo?
Drey: yup...
Ako: Papasok na ko ha, oras na...
Mike: Samahan mo nalang kami dito, late ka na din naman eh...
Ako: Kahit na gagu, late din naman lagi yung teacher namin eh...
Mel: Iiwan mo kami dito, walang kasama?
Ako: Tang ina nyo kokonsyensyahin nyo pa ko eh kayo naman yung nag-cutting, alis na ko...
Mike: Sige tablahin mo nalang kame...
Ako: Pak u (sabay alis)
---------------------------------
At dahil medyo malayu pa yung room eh tinakbo ku na, at dahil medyo malayu yung tinakbo ko eh tagaktak ang pawis ko, kaya nung malapit na eh nilakad ko nalang, medyo kabado na ko nung malapit na dahil may 15mins na rin ako'ng late, kaya nagdadalawang isip na rin akong di pumasok, pero hindi na, nandito na din naman, mapagalitan na kung mapagalitan at ayaw ko na din namang lumakad ng malayo, kaya eto na, pasok sa room!! Pag-pasok sa room, nagulat ako dahil lahat ng kaklase ko eh nakatayo't nagdadaldalan, "Wala pa si ser" bulong ni Kaye...
"FUCK! anlayu ng tinakbo ko wala pa si ser?" sigaw ko nang biglang may biglang sumagot sa likod ko "nandito na'ko" bulong ni ser, nasa likod ko pala, bute hindi nya ata narinig yung mura'ng nasigaw ko, umupo na kayo, bulong nya, sunod naman kame. Pero di pa nakakaupo eh pinatayo na nya kame ulit para sa prayer at dahil mga 20mins na lang ang klase at sa tabi ng pinto ang upuan ko, inubos ko nalang ang oras sa pagtitig sa mga dumadaang studyante,
"Ok class, your assignment for tomorrow is blablabla... Wala nang nakikinig sa kanya dahil busy ang lahat na nag bibilang ng oras para makauwi na, SA WAKAS! dismissal! Uwian na! Haha, pero hindi muna dahil bago umuwi eh magbabasketball muna kame ng barkada...
"BAAGHH" kumulog syit! at after 5 seconds bumuhos ang malakas na ulan, pababa walang hangin at malaki ang patak, patay ang basketball, maagang uwian, kasabay yung kaibigan ko'ng si jigs umuwi na kami ng maaga't di na pumunta ng court...
Takbo ng mabilis! dahil sa lakas ng ulan, takbo agad kami sa pinakamalapit na jeep,
"Tae basang basa sapatos ko" reklamo ni jigs "Hehe, ako din nga eh, sumasabaw uniform ko" at pagkatapus no'n eh kwentuhan nalang...
Jigs: Bayad ka na...
Ako: San yung sayo?
Jigs: Ha?
Ako: Bayad mo gagu...
Jigs: Ah... Kaw muna...
Ako: Fuck you, bayad mo ulul...
Jigs: Gagu to, sige na ikaw muna la ako barya dito eh...
Ako: Gagu to... Bayad po(habang inaabot ang pera) isa lang po saken, ayaw po'ng magbayad nyan kuya oh...
Jigs: Tang ina ka! Siniraan mo pa ko eh, oh eto bayad ko iabut mo tae ka...
Ako: (*namumula na sa tawa*)
---------------------------------
After 30 mins ng pag kukukwentuhan sa gago kong kasama eh nakauwi narin ako, 5:30pm pa lang wala nang araw at tirik na ang buwan masarap mag muni-muni habang nag lalakad pauwe...
Pagdating sa bahay eh nagpalit agad ako ng suot ipinahing ang paa, uminom ng konting tubig at umupu sa sofa habang nanonood ng t.v ahh... Nakalimutan ko na ang lahat, kahit alam ko'ng may mga assignments pa ko eh hindi ko na naisip at nagrelaks nalang ako't nag-pahinga...
Ligo ka na!!! Sigaw ng nanay ko habang naliligo na ko... Pagkatapos eh kumain na'ko ayokong kumakain ng may kasabay, di ko alam kung bakit basta ayaw ko, pagkatapos kumain eh pumasok na ko sa kwarto ko, nanood ulit ng t.v hangang 11pm(gusto ko'ng ikwento yung pinanuod ko pero tinatamad na ko) pagkatapos nung late night with jimmy fallon eh pinatay ko na ang t.v at ipinikit ang mahapding mata, pero di ako makatulog, di ko na binuksan ang mata ko dahil alam ko'ng patay na ang ilaw at ang t.v hinayaan ko nalang mag-isang makatulog ang mga mata ko...
Madilim.... Tahimik... At bigla ko nalang naramdamang unti unting bumibilis ang pag-hinga kasabay ang pag tulo ng pawis na sinasabayan pa ng mas mabilis na pag tibok ng puso, at nakita ko nalang na tumatakbo ako ng mabilis di alintana si kelvin sa kanyang pagsigaw upang hindi maabutan ng halimaw na humahabol sa'kin sa ilalim ng buwan at sa tahimik na gabi....
No comments:
Post a Comment